Welcome
Thanks for visiting my blog. If you're the kind of person who doesn't know respect, leave right away.
You can do that by clicking the red button on the upper right of the screen with an "x" in it.
If you are not, then I can give you a chocolate ;) - - ofcourseimkidding.
Chance Taker
Only karlaloveschocolate.
Bridges Burned
Piggy Bank
|
Inglish Ispiking?
Saturday, August 18, 2007 @ 8:38 PM |
Ako si Karla Chan, estudyante ng De La Salle Zobel. Ang paaralan namin ay nasa Muntinlupa City, tulad ng San Beda Alabang.
Araw araw nadadaanan ko ang San Beda, minsan nakakapasok pa ako sa loob dahil sinusundo ko ang pinsan kong nagaaral dito. Nagulat na lang ako ng isang araw eh may nakita akong malaking banner na may nakalagay na
San Beda College Alabang is an English speaking School.
Kung naninirahan ka malapit sa mga paaralan namin, eh malamang alam ninyo na "Rival Schools" DAW ang San Beda College Alabang at ang De La Salle Zobel school. Hindi ko alam pano nga ba nagkaroon ng mga ganitong bagay-bagay, pero meron nito sa lugar namin--lalo na saming mga estudyante.
Nabalitaan ko na kapag nahuli ka ng guro na nagsasalita ng ibang wika maliban sa ingles ay malalagutan ka (ewan ko kung anong ibig sabihin ng "malalagutan"). Hindi ko alam kung anong pakay ng eskwelahan, pero negatibo agad ang aking naramdaman tungo sa kanilang patakaran. Maiintindihan ko kung ito ay isang International School, at puro dayuhan ang mga nagaaral dito. Nagaral ang Kuya ko dito at alam kong karamihan sa nagaaral dito ay Pilipino.
Kasabay ng aking pagkakatuwa sa nalaman eh ang kalungkutan. Ang lungkot isipin na ang raming Pinoy na nagpupumilit maging tulad ng mga Amerikano (o mga dayuhan). Hindi lang sa lengguahe, sa pananamit, sa paraan ng pamumuhay, sa paguugali, sa kultura.
Nasabing maraming wika at kultura ang bansang Pilipinas. Marami namang magagaling na pilipino ang nakikilala sa buong mundo, bakit tayo nagpupumilit mag-asal dayuhan? Dahil ba "Cool" ito? Ang pagiging pinoy ba ay hindi "cool"?
Nabiyayaan tayo ng maraming wika, ngunit hindi natin ito maipagmalaki. Masyado tayong abala sa pag-gaya sa ibang bansa. Abala tayo sa pagaaral ng Ingles, Espanyol, Instik, at kung ano pang wikang dayuhan. Tapos nagrereklamo tayo na hindi maunlad ang ating bansa?
Kesa dahil nangungurakot, keysa ganito, keysa ganyan. Lagi na lang natin sinisisi ang mga namumuno. Pero hindi ba natin naisip na, sa sarili pa lamang natin e hindi na natin magawang tumulong sa pagunlad ng ating bansa?
Imbis na magaral ka ng Espanyol, naisip mo bang mag-aral ng Waray? Simpleng bagay lang, nagpapakita na ito ng pagmamahal sa bayan. Paano tayo magiging isang matatag na bayan, kung hindi naman natin magawang mahalin ito? Simulan mo sa hindi paggiging ignorante sa kung anong meron ang bansa mo, malay mo, sa susunod magsisi ka na naisipan mong lumipat ng ibang bansa.
Sponsored by: Ang Tinig ng Bagong Salinlahi Sumali na sa DigitalFilipino.com Club Sheero Media Solutions - Web Design and Development Yehey.com - Pinoy to p’re The Manila Bulletin Online WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Nakaabot kaya ako?...
|